Militarisasyon at Harasment sa Bayugo Meycauayan, Bulacan
by Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)
Posted: 25 October 2006
OCTOBER 19, 2006
Samantala, kaninang alas-5 ng umaga, Oktubre 19, 2006, ay
walang pasabing at walang search o arrest warrant na pinasok
ng magka-kombina na PNP, Philippine Army at CIDG, nasa 50
katao, ang komunidad ng C. Pascual, Bayugo, Meycauayan. Sa
ilalim ng pamumuno ni Col. Villanueva, pinasok, hinalughog,
at sinara ang pintuan ng mga kasapi ng kadamay na sina Joselito
Serrano, Mercedez Cayanan, Norlito Obenia, Joey Sebastian,
at Jeric Cabral. Si Andres Calilim naman ay tinutukan ng baril
at gayundin ang lola ni Norlito Obenia na nakaratay na sa
sakit. Si Fernando Serrano, Jr. naman ay nilagyan ng posas.
Tanging kay Joselito Serrano lamang may hawak na search warrant
ang mga pwersa ng military at pulis. Ang batayan ng warrant
ay diumano daw na may 4 siyang armalite, apat na .45 baril
at shot gun. Pagkatapos harassin ang mga nasabing kasapi ng
KADAMAY sa lugay ay nagbanta pa ang mga PNP, army at CIDG
na sila ay babalik sa lugar matapos ang 5 araw.
Ang lahat ng mga nabanggit ay mga aktibong kasapi ng Kadamay-Bayugo
at mga aktibo sa kampanya laban sa pagppapatupad ng anti-maralitang
proyektong Philippine National Railways Modernization and
Rehabilitation Project (PNR-MRP).
Sa walang tigil at kabi-kabilaang panunupil sa karapatan at
di-makatarungang pagpaslang sa mga maralitang naninindigan,
"Kailangang pagbayarin ang mga salarin sa walang awang
pagpapaslang at panunupil sa maralita. Higit sa lahat kailangang
pagbayarin mismo ang may pangunahing pakana sa likod ng militarisasyon
ng mga komunidad at pangunahing tagapagpatupad ng mga anti-maralitang
proyekto ng gubyerno katulad ng proyektong riles, walang iba
kundi, ang tsunanong si Gloria Makapal-ang-Mukha Arroyo!"
galit na sinabi ni Carmen Deunida, pambansang tagapangulo
ng KADAMAY.
Maglulunsad at magtutulak ang Kadamay kasama ng mga lokal
na tsapter nito at iba pang mga progresibong organisasyon
ng Fact Finding Mission upang alamin at katotohonan at makuha
ang hustisya para sa mga naging biktima ng malupit na militarisasyon.
#
Reference:
ED LEGSON , Deputy Secretary - General KADAMAY National
CP No. 0927-7851-742
* * *
|